Ticker

6/recent/ticker-posts

Advertisement

Responsive Advertisement

LOOK | Kapitbahay ni Leni Isiniwalat sa Publiko ang tunay Na Ugali Nito Sa Kaniyang Mga Kababayan Sa Naga City "Sobrang Sama ng Ugali!"



Naging trending at usapin sa social media ang naging rebelasyon ng kapitbahay ni Vice President Leni Robredo sa tunay na ugali nito at sa kung paano sila nito itrato.

Ayon sa kapitbahay, hindi daw maasahan at kailanman ay hindi sila nakakuha ng suporta mula sa bise presidente na taliwas sa sinasabi ng huli na marami na daw umano siyang taong natulungan lalo na ang kaniyang mga kababayan sa Naga City.

Sinabi ng netizen na ngayon lamang daw siya nagkaroon ng lakas ng loob para isiwalat ang tunay na ugali ni Robredo. Base sa kaniyang pahayag, napakarami daw pangako noon ni Robredo sa kanila na bibigyan sila nito ng tulong ngunit kahit ito ay bise presidente na ay wala naman daw natupad sa kahit na anong pangako nito sa kanila.

Saad ng netizen na si Elena Rose Verano,

"Wala nga naitulong samin dito si robredo kapitbahay namin sya dito...barangay Mariana. ..pumunta bossing ko sa office Nila...sa gate pa lang di pa pinapasok...sabi nya open daw office nya sa lahat ng nangangailangan..di totoo..marami ayaw sa kanya lalo na kami dito."

Sa rebelasyon ni Elena, sinabi niya na hindi totoo ang lahat ng mga pinapakita o sinasabi ni Robredo sa media. Ang katotohanan daw dito ay tinatanggi at hindi sila pinapapasok nito sa Office of the Vice President (OVP) kahit pa man sinasabi daw nito na bukas ang kaniyang opisina para sa lahat ng mga taong gustong humingi ng tulong sa kaniya.

Bukod kay Elena, mayroon pang ibang netizens ang nagpatotoo sa kung gaano kasama ang ugali ni Robredo. Isa na nga dito ang isang kabataan na umano'y nanghihingi ng scholar at kaunting pinansyal na tulong para sana sa magulang niyang may sakit.

Ngunit, maging siya ay tinanggi at hindi din pinaunlakan sa opisina ni Vice President Robredo. Ayon sa kaniya, ilang beses na daw silang pinapabalik balik sa opisina ni Robredo at pinapangakuan na bibigyan sila ng edikal at pinansyal na tulong ngunit sa huli ay wala naman daw silang napapala. Hindi man lang din isipin ni Robredo kung gaano kalaki ang pamasahe na kanilang kailangan para lang mapuntahan siya sa kaniyang opisina at makahingi ng tulong. 

Saad pa ng kabataan, malayong malayo daw ito sa pinangako ni Robredo sa kanila noong ito ay tumatakbo pa sa pagka-bise presidente sa bansa.

Basahin sa ibaba ang rebelasyon ng kabataang ito:

"Ganoon nalang po ba kayo manloko? VP LENI? Pinapaasa nyo po ang mga kabataan na gustong humingi ng tulong sa inyong opisina. Nakakadismaya po kayo sa totoo lang.
Kababayan nyo ho kami sa Naga, di po namin lubos maisip na hindi nyo kami matutulungan at mas malala pa diyan niloloko nyo po kaming lahat. Sa ilang beses na pag punta po ng mga Papa, at tito namin dala ang mga updated application form para sa ilang tulong medical at scholarship sa opisina mo lagi po silang hindi pinapapasok. Lagi sinasabi ng mga tao dyan na wala silang appointment pero mismong ang mga staff nyo ang nagsabi na tutulungan nyo sila. Para kaming umaasa na puputi na ang uwak sa mga pangako nyo samin. 

Kaya di masisi kahit mga taga lugar nyo e isinusuka napo kayo. Hindi naman yan ang ipinangako nyo samin noong kampanya, bakit ho kayo nagbago? Ang buong akala namin kayo ang magiging isa sa pag-asa naming mga kababayan mo eh tulad karin pala ng ibang pulitiko, mabubulak-lak sa salita, walang gawa! Sana ho, tigilan nyo na ang pangangako sa mga kababayan nyo. 

Hindi po biro ang maghanap ng pamasahe makapunta lang sa opisina nyo nagkanda sanla-sanla ang mga cellphone namin para lang may pera paluwas maynila pero ilang beses nyo kaming pinagpabalikbalik. Wala kayong konsiderasyon. Wala naman nakakalimutan ang Karma, lahat ng panloloko at pagpapaasa nyo samin. Babalik sa inyo yan, double pa! Ang sama ng ugali mo!"


Post a Comment

0 Comments